Pinayuhan ng Malakaniyang ang commuters na maging mapag pasensya dahil tinutugunan naman ng gobyerno ang problmea sa trapiko sa EDSA.
Kasunod na rin ito nang tila pag aaklas na ng commuters sa anila’y lumalang problema ng trapiko sa EDSA simula nang ipatupad ng MMDA ang yellow lane policy noong Lunes.
Kahapon, maraming pasahero ang hindi na pumasok matapos ma stranded sa matinding trapiko samantalang ang iba naman ay kailangang maghintay ng matagal para makagamit ng rest room hanggang makaabot ng bus terminal.
Naki simpatiya naman si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa mga commuter dahil naranasan din niyang ma stuck sa traffic ng dalawang oras habang papunta sa isang event.
Sinabi pa ni Panelo na nakadagdag din sa matinding trapiko ang malakas na buhos ng ulan.
Tiniyak ni Panelo na ginagawa naman ng MMDA ang lahat para maayos ang trapiko sa EDSA.
Ayon kay Panelo, makakatulong ang pagtatayo ng mga bagong imprastruktura tulad ng expressways para maiban ang trapiko sa EDSA.
Tuluy tuloy naman ang mga proyekto ng gobyerno sa ilalim ng Build Build Build Program para maayos ang trapiko sa EDSA sa mga susunod na taon.