Hinikayat ng Malacañang ang mga kinatawan ng mga grupo ng magsasaka at iba pang stakeholders na aktibong makibahagi sa pagbalangkas ng implementing rules and regulations (IRR) ng rice tariffication act.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, layon nitong matiyak na magiging epektibo ang pagpapatupad ng rice tariffication act at masigurong sapat ang inilagay na safeguard dito.
Dagdag pa ni Panelo, sa ganitong paraan mababantayan mismo ng mga grupo ng magsasaka na hindi mapapasukan ng iregularidad ang IRR para sa nasabing batas.
Muli namang tiniyak ng Malacañang na patuloy na itataguyod ng administrasyong Duterte ang pagkakaroon ng transparency at hindi kukunsentihin ang anumang uri ng korupsyon sa pamahalaan.
—-