Muling umapela ang Malacañang sa mga motorista na maging mahinahon at habaan ang pasensya sa nararanasang matinding traffic sa Metro Manila.
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma matapos ang naganap na shooting incident sa Pasig City dahil umano sa traffic.
Ayon kay Coloma, nagpapatuloy ang visibility ng mga law enforcement upang matiyak ang kaayusan at maiwasan ang road rage sa gitna ng tumitinding traffic sa Metro Manila ngayong holiday season.
Humahanap naman anya ng paraan ang gobyerno upang maresolba ang traffic congestion sa kalakhang Maynila.
Halimbawa na lamang nito ay ang clearing operations sa Mabuhay Lanes gayundin ang pagsuspinde ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lahat ng reblocking at road repair.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)