Hinikayat ng Malacañang ang mga local officials, pulis, sundalo at judges na nasa listahan ng mga di umano’y sangkot sa illegal drug trade na sundin ang 24-oras na deadline sa kanila ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin aNdanar, isa itong pagkakataon para sa mga nasa listahan na linisin ang kanilang pangalan.
Tiniyak ni Andanar na dumaan sa validation at revalidation ang mga nasa listahan bago ito isinapubliko ng Pangulo.
Sa kaso naman ng isang Judge Natividad na nasama pa rin sa listahan kahit matagal nang yumao, tiniyak ni Andanar na lilinawin nila kung may pagkakamali dito.
Bahagi ng pahayag ni PCO Secretary Martin Andanar
By Len Aguirre | Ratsada Balita