Binigyang katwiran ng Malacañang ang paalalang iwasan muna ang mga matataong lugar sa harap ng posibleng banta ng terorismo.
Taliwas kasi ito naging pahayag ng Armed Forces of the Philippines o AFP na walang dapat ipag-alala dahil kontralado naman ng mga otoridad ang sitwasyon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, patuloy umano ang paggalaw ng mga threat elements sa bansa kaya’t hindi dapat maging kampante.
Aniya, tingnan na lamang ang nangyari sa Paris kung saan umatake ang mga terorista sa hindi inaasahang pagkakataon.
Giit ni Coloma, kahit walang namomonitor na banta sa kahit na alin mang grupo ay mahalaga pa rin na maging mapagmasid at maging vigilant ang lahat.
By Jelbert Perdez | Aileen Taliping (Patrol 23)