Sinagot ng Malakanyang ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na mayroon umanong nakasingit na Pork Barrel Fund sa 3.35 trillion peso 2017 National Budget.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, tinitiyak niyang walang nakalusot na pork barrel dahil siya mismo ang nag-file ng budget reform bill na titiyak na hindi mapagsasamantalahan ang pambansang pondo sa mga susunod na administrasyon.
Sumusunod anya ang Palasyo sa desisyon ng Korte Suprema matapos ideklarang unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program o DAP at Presidential Development Assistance Fund o PDAF na pinagpasasaan ng mga senador at kongresista.
Inihayag din ng kalihim na sa katunayan ay isa siya sa mga nagpetisyon sa Supreme Court laban sa DAP at PDAF.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping