Sang-ayon ang Malakanyang sa pahayag ni Vice Presidente Leni Robredo na hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang magdedesisyon kung siya ay may sapat na kakayahan para maging Presidente ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, tama ang sinabi ni Robredo na ang taumbayan ang magpapasya kung sino ang susunod na uupong pangulo ng bansa.
Pero ani Roque, kabahagi rin ng taumbayan ang Presidente dahil isa rin itong rehistradong botante ng bansa.
Kaya’t bilang isang botante na naging Presidente ng Pilipinas, may sapat nang kaalaman si Pangulong Duterte kung ano ang mga dapat na kwalipikasyon ng magiging susunod na lider ng ating bansa.
Kung saan ang sumatotal ng naging assessment ani Roque ng punong ehekutibo kay Robredo ay hindi pa ito angkop para maging presidente ng Pilipinas sa 2022.