Siniguro ng Palasyo ng Malakanyang na nasa mabuting kondisyon si Pangulong Rodrigo Duterte at kaya nitong lumahok sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit.
Ito ay matapos magpaabot ng kani-kanilang pag aalala sa Pangulo ang pinuno ng ilang bansa matapos nito sumemplang sa motor noong nakaraang linggo.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, tutuloy at ba-byahe pa rin ang Pangulo sa ASEAN Summit na gaganapin sa Thailand ngayong Linggo.
Samantala, wala pang inilabas na anunsyo kung tutuloy ang Pangulo sa 2019 Asia Pacific Economic Conference (APEC) na gaganapin sa Chile sa susunod na buwan.