Tiniyak ng Malacañang na sisipot ang mga opisyal ng gobyerno na ipinatawag ng senado sa muling pagbubukas ng imbestigasyon hinggil sa Mamasapano encounter sa Enero 27.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, hindi na kailangang hintayin ang kopya ng mga tanong ng mga senador bago ibigay ng Pangulong Benigno Aquino III ang go signal nito sa pagdalo ng government officials sa reinvestigation.
Sinabi pa ni Coloma na ilang ulit nang nagpaliwanag ang Pangulo hinggil sa ginawa niya bilang commander in chief at itinanggi ang naunang pahayag ni Senador Juan Ponce Enrile na wala itong ginawa para isalba ang buhay ng SAF 44.
By Judith Larino