Isinisi ng Malakaniyang sa administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang magulong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ito’y matapos mapalaya ang nasa 2,000 bilanggo na convicted sa heinous crimes dahil sa gcta.
Partikular na isinisi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang malabong IRR ng GCTA kay dating Justice Secretary at ngayo’y Sen. Leila De Lima at dating Interior Sec. Mar Roxas.
Giit ni Panelo, taong 2013 nang inilahad sa Kongreso ang Republic Act 10592 na naglalaman ng probisyon hinggil sa GCTA.
Ang naturang mga probisyon ay lumusot naman umano sa mga isinagawang pagdinig hanggang sa naging batas na ito matapos lagdaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Una rito, inirekomenda ng office of the president sa Department of Justice (DOJ) na pag-aralan ang posibleng pagrepaso ng nasabing batas.