Sinita ng Malakanyang si Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V.
Kaugnay ito sa pahayag ni Laurel na posibleng pabuya ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsama ng 16 na cabinet members sa kanyang biyahe sa Japan dahil sa magandang resulta ng midterm elections.
Ayon kay Justice Secretary Medardo Guevarra, na tumatayong caretaker ng bansa, napagsabihan na nila si Laurel.
Gayunman, sinabi ni Guevarra na ipina uubaya na nila sa Pangulong Rodrigo Duterte o Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin kung didisiplinahin nila si Laurel.
Una nang iginiit ng Malakanyang na hindi dekorasyon lamang ang pagsama ng 16 na cabinete members sa biyahe ng pangulo sa Japan.