Sisilipin ng Palasyo ang bali-balita na muli na namang naantala ang allowance ng mga health workers sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, siya’y makikipag-ugnayan sa finance unit ng Department of Health para alamin kung naibigay na ba ang allowance ng mga health workers na patuloy na lumalaban ngayong may pandemya.
Giit ni Roque, galit ang Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang usapin nang malaman na hindi nababayaran ang mga health workers sa bansa.
Magugunitang kinalampag ng mga health workers mula sa tatlong pampublikong ospital ang pamahalaan dahil sa isyu ng hindi pagtanggap ng mga ito ng kani-kanilang allowance.