Suko na ang Malakaniyang sa prediksyon ng mga expert mula sa University of the Philippines (UP) matapos lumobo ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sa gitna na rin ito ng posibilidad na malampasan ang 85,000 mark forecast ng up hanggang sa katapusan ng buwang ito.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque nangyari na ang prediksyon kaya’t walang dapat ipagdiwang subalit hindi naman ito dahilan para panghinaan ng loob at hayaang dumami pa ang mga tatamaan ng COVID-19.
Sinabi ni Roque na mas higit pang dapat paigtingin ang contact gtracing, testing, treatment at isolation para epektibong mapigilan ang pagkalat ng virus na nagawa na rin naman sa Cebu City kayat tiyak na magagawa rin sa Metro Manila.
Inihayag ni Roque na nakakalungkot man subalit ito ang realidad kayat dapat na patuloy na mag ingat ng publiko para makaiwas sa COVID-19.