Suportado ng Malacañang ang pasya ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) na limitahan ang bilang ng mga palaisdaan sa Laguna De Bay.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang hilingin ng mga bangus industry stakeholder kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang Resolution 540 ng LLDA.
Alinsunod sa naturang kautusan, lilimitahan sa 5,000 na ektarya mula sa 12,500 ektarya ang ookupahin ng mga fish cage operator sa lawa.
Iginiit ni Roque na walang batayan ang bangus industry stakeholders and dealers alliance upang ipanawagan ang pagbasura sa resolusyon ng LLDA.
Kung siya aniya ang tatanungin ay dapat nang tanggalin ang lahat ng baklad sa Laguna De Bay at hayaang maka-recover ang lawa.
—-