Kinatigan ng Malacañang ang pagkakaroon ng COVID-19 passport.
Ito, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ay bilang katibayan na nabakunahan na laban sa virus ang isang biyahero.
Ito aniya ang magiging paraan upang unti-unti nang magbalik sa normal ang pagbiyahe at ang pamumuhay ng publiko.
Magugunitang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maglalabas ang gobyerno ng QR code-based vaccination certificate, kung saan, mas mapapabilis nito ang proseso sa Immigration para sa mga dumarating na pasahero.