Tanggap na ng Malacañang na hindi na maihahabol ang pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa mga huling sesyon ng kongreso.
Dahil dito, sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma na umaasa na lamang ang Malacañang na sa susunod na regular na sesyon ng kongreso ay tuluyan nang mapagtitibay ang BBL.
Sinabi ni Coloma na patuloy na hihimukin ng Malacañang ang mga mambabatas ng dalawang kapulungan ng kongreso na palusutin ang BBL.
Binigyang diin ni Coloma na nangako naman liderato ng kamara at senado na sa muling pagbabalik ng regular na sesyon sa Hulyo ay ipagpapatuloy ang pagtalakay sa BBL.
By Ralph Obina | Aileen Taliping (Patrol 23)