Tikom ang bibig ng Malacañang sa pahayag ng kampo ni Vice President Leni Robredo na binawi umano ang kanyang imbitasyon sa Vin D’honneur.
Hindi sumipot ang Pangalawang Pangulo sa taunang Vin D’honneur na ginanap sa Malacañang, Miyerkules Enero 11, na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng gobyerno at mga miyembro ng diplomatic community.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang protocol office ang namahala sa mga imbitasyon kaya’t aalamin nito kung totoo bang binawi ng palasyo ang imbitasyon kay Robredo.
Samantala, sa pahayag ni Georgina Hernandez, spokesperson ni Robredo, nakatanggap umano ng email ang Office of the Vice President ng imbitasyon hinggil sa Vin D’honneur noon pang Disyembre 28 ng nakaraang taon.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping / Race Perez