Dumistansiya ang Malacañang na magsalita sa estado ng relasyon ng Pamilya Aquino at Binay matapos magbitiw si Vice-President Jejomar Binay sa gabinete.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte, ayaw nilang pangunahan at lalong ayaw nilang magbigay ng ispekulasyon sa personal na relasyon ngayon ng dalawang pamilya.
Ang pamilya Aquino at pamilya Binay ay kilalang malapit na magkaibigan dahil si dating Pangulong Corazon Aquino ang nagluklok kay Binay bilang Officer-in-Charge ng Makati City pagkatapos ng Edsa Revolution na nagtuloy-tuloy na sa kanyang pagiging alkalde sa mahabang panahon.
Tanging si Pangulong Noynoy Aquino aniya ang makapagsasabi kung nananatiling buo o nagkalamat na ang pagkakaibigan ng dalawang pamilya.
Nauna rito, inihayag ng kampo ni Binay na ginawa siyang punching bag ng administrasyon sa mga inilutang na kontrobersiya ng katiwalian laban sa kanyang pamilya.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)