Nakahanda na ang pamahalaan sa posibleng ‘worst case scenario’ na mangyari kasunod ng patuloy na pag – alburuto ng Bulkang Mayon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nananatiling nakaalerto ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na tutugon sa mga pangangailangan ng mga maapektuhang residente sa lugar tulad ng NDRRMC , PNP , AFP , BFP , DSWD at mga Local Government Units.
Tiniyak din ni Roque na patuloy ang mahigpit na monitoring ng PHIVOLCS sa mga aktibidad ng Bulkang Mayon.
Patuloy naman ang panawagan ng Malakanyang sa mga residente na mag- ingat at iwasang pumasok sa 6 kilometer danger zone upang maka-iwas sa peligro.