Tiniyak ng Malacañang na hindi maaapektuhan ang trabaho ng gabinete kahit pa halos walong miyembro nito ang magbibitiw sa puwesto para sumabak sa 2019 midterm elections.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi magiging problema para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang magtalaga ng kapalit ng mga magbibitiw na opisyal.
Sa katunayan aniya sa isang posisyon nababakante ay may 100 katao ang interesado dito.
Sinabi rin ni Roque na kahit may mabakanteng posisyon ay awtomatiko namang may itinatalagang officer-in-charge upang hindi masakripisyo ang mga iiwang trabaho.
Ilan sa mga napaulat na magbibitiw sa puwesto para maghanda ang kanilang pagtakbo sa local position ay sina Cabinet Secretary Jun Evasco, TESDA Director Guiling Mamondiong, Special Envoy Abdullah Mama-o.
—-