Tiwala ang Malakanyang na hindi gagamit ang Pilipinas ng reenacted budget para sa susunod na taon.
Ito’y kasunod ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na harangin ang paglalabas ng pondo sa pagitan ng alitan ng ilang Senador.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, maraming mambabatas ang gustong maipasa ang nasabing budget lalo na’t karamihan sa mga ito ay tatakbo sa halalan 2022.
Giit ni pa ni Roque na hindi kay Pangulong Duterte isisisi kapag hindi naipasa ang budget kundi sa mga mambabatas.
Sa ngayon, patuloy pa rin na tinatalakay sa Senado ang 2022 national budget habang naipasa na ng kamara ang kanilang sariling bersyon noon pang katapusan ng Setyembre.