Tiniyak ng Malacañang ang pagkakaroon ng malinis, tapat at patas na eleksyon sa susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ginagalang at kinikilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang halalan bilang sagisag ng demokrasya.
Dahil dito, makakaasa aniya ang mamamayan na poprotektahan ng pamahalaan ang kasagraduhan ng mga balota upang matiyak na ang mga mananalo ay agad na maipoproklama.
Samantala sinabi din ni Panelo na makakasiguro rin ang publiko na wala kahit isang sentimo mula sa kaban ng bayan ang gagamitin para sa sinumang kandidato.
—-