Tiniyak ng Malacañang na gagamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang veto power upang alisin ang mga pork barrel na isisingit sa panukalang 2020 national budget.
Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng ulat na ang panukalang P4.1-T national budget para sa 2020 ay may nakasingit na P35-B halaga ng pork barrel funds.
Magugunitang naantala ang pagpasa ng 2019 budget ng ilang buwan matapos na kwestyunin ang mga alokasyon at sinasabing pork insertion ng kongreso.
Una nang idineklara ng Korte Suprema na Nobyembre 2013 na labag sa konstitusyon ang priority development assistance fund o pork barrel fund.