Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi nito hahayaang mamayagpag ang narco-politics, sa darating na eleksyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, tinawag na ng Pangulong Noynoy Aquino ang atensyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng mga law enforcement agency, na paigtingin ang kampanya kontra sa ilegal na droga.
Binigyang diin ni Lacierda na kasama sa mga pinatututukan ng Pangulo ang problema sa ilegal na droga kahit walang eleksyon.
Una nang lumabas ang ulat na sangkot na din sa paggamit at pagbebenta ng droga, ang mga lokal na opisyal, sa mga malalayong probinsiya.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)