Tiniyak ng Malakanyang na hindi aabutin ng isang buwan at mababakunahan na rin ang lahat ng mga medical frontliners sa bansa.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay sa sandaling dumating na ang mga biniling bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Batay sa inilabas na priority list ng pamahalaan, ang mga medical frontliners ang una sa mga mabibigyan ng bakuna kontra COVID-19 na magbubuhat sa COVAX facility.
Nasa 117K ang nakalaang bakuna para sa mga medical frontliner kung saan, tig-dalawang doses ang ibibigay sa kanila.