May lugar at malaki ang oportunidad ng mga SME’s o Small Medium Enterprises sa APEC Summit ngayong buwan.
Tiniyak ito ng Malakaniyang kasunod nang patuloy na pagharang ng mga militante sa Free Trade Agreement dahil sa pangambang maging bagsakan lamang ng surplus products ng mayayamang bansa ang Pilipinas lalo pa’t wala daw kakayahang makipagsabayan sa multinational companies ang mga maliliit na negosyanteng Pilipino.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ikakagulat ng marami kung paano makikipagkumpetensya at makikipagsabayan ang mga SME’s sa global value chain.
Hindi naman aniya kailangang malaki kaagad ang puhunan o kaya ay sa shopping mall kaagad ang negosyo.
Sinabi ni Valte na sa ngayon ay sa pamamagitan ng e-commerce, maaari na ring makapagbenta ng produkto sa ibang bansa kahit walang tindahan doon sa internet partikular sa Instagram, Facebook, e-mail at twitter.
By Judith Larino