Tiniyak ng Malakanyang na mananagot si dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog laban sa mga kasong kinahaharap nito.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kahit pa nakaalis na ng bansa ang dating alkalde kasama ang kanyang asawa at mga anak.
Nabatid na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakakabalik sa bansa si Mabilog mula nang umalis ito ng nakaraang taon.
Matatandaang lumipad patungong ibang bansa ang dating alkalde matapos na absweltuhin ng Ombudsman sa umano’y maanomalyang ‘towing deal’ at bigong pagdedeklara ng pinagmulan ng kanyang yaman.
Nauna na ding isinangkot ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mabilog sa operasyon ng iligal na droga.