Kinumpirma ng Malacañang na nagtungo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Singapore nitong weekend.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, naging produktibo ang pagpunta ng pangulo sa naturang bansa, kung saan pinagtibay nito ang pangunahing usapin sa kanyang huling state visit at hinimok ang mga foreign investor na mamuhunan sa Pilipinas.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Cruz-Angeles ang screenshot ng post ng Singapore politician na si Tan See Leng, kung saan binati nito si Sergio Perez na nagwagi sa Singapore Grand Prix.
Kasama rin sa post ng opisyal ang isang larawan kung saan kabilang si Pangulong Marcos, President Surangel Whipps Jr., Cambodia’s Minister Attached to the Prime Minister and Managing Director of Electricite Du Cambodge; Keo Rottanak, Cambodia’s Minister of Commerce; Pan Sorasak, Advisor to the Royal Court, Kingdom of Saudi Arabia, at Dr. Fahad Bin Abdullah toons.
Inilahad ni Tan See Leng na kanilang pinagtibay ang bilateral economic relationships at energy cooperation, gayundin ang manpower policies.
Matatandaang nagpunta si Pangulong Marcos sa Singapore noong September 6 hanggang 7 para sa isang state visit.