Posibleng sapilitan nang buksan ang warehouse ng mga hinihinalang rice hoarder.
Ito ang babala ni Presidential Spokesman Harry Roque sa gitna nang pangamba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Roque, hindi magdadalawang-isip si Pangulong Duterte na gumamit na ng puwersa laban sa mga rice hoarder bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas na isa pangunahing dahilan ng inflation.
Sa katunayan anya ay isang rice trader na hinihinalang nag-iipit ng tone-toneldang bigas ang kinausap ng Punong Ehekutibo at binalaang kakasuhan ng economic sabotage.
“He invoked national security in this regard, so we warn rice hoarders that the President will use the full force of the state and force open warehouses where these hoarded rice may be found.”
“We are looking at all aspects, further alleviation measures. And of course, the statement of the President against rice hoarders was because the increase in price of rice was the major contributor to the increase in overall inflation.” Pahayag ni Roque
—-