Nakikiisa ang Malakanyang sa paggunita ngayong araw ng ika-apat na anibersaryo ng trahedyang dala ng super typhoon Yolanda.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakikidalamhati ang Palasyo sa mga biktima dahil sa napakabagal na pagbangon ng mga ito mula sa sinapit na delubyo.
Sa kabila nito, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang ahensya upang tutukan ang tuluyang pagbangon ng mga komunidad na labis na sinalanta ng bagyo.
Giit pa ni Roque, tulad sa Marawi, tututukan din ng pamahalaan ang rehabilitation, rebuilding at reconstruction effort sa mga lugar na matinding hinagupit ng isa pinaka-malakas na bagyo sa kasaysayan.