Tiniyak ng Malakanyang na hindi lalampas ng kahit isang segundo sa kanyang posisyon ang Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos ng kanyang termino sa 2022.
Reaksyon ito Presidential Spokesman Harry Roque sa isang probisyon sa draft ng bagong konstitusyon kung saan pinapayagan ang nakaupong pangulo at pangalawang pangulo na muling tumakbo sa eleksyon at manatili sa posisyon hanggang 2030.
Ayon kay Roque, paulit ulit nang sinasabi ng pangulo na bababa siya sa puwesto kapag nakumpleto na ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan sa pederalismo.