Tiniyak ng palasyo na walang itatago si Special Assistant to the President Bong Go sa pagharap nito bukas sa senate hearing kaugnay sa umano’y panghihimasok sa P 15.7-billion frigate deal ng Philippine Navy.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, tanging katotohanan lamang ang dadalhin ni SAP Go sa pagdalo nito sa senate inquiry.
Giit ng tagapagsalita ng Malakanyang, kung mayroon mang kapalpakan sa frigate deal, tiyak aniyang walang pananagutan dito ang Duterte Administration.
Pahayag ng Palace spokesman, wala ni-isa man sa kasalukuyang administrasyon ang nakialam sa Philippine Navy project dahil na-i-award na ito sa nanalong bidder noon pang Aquino administration.