Tinututukan ng Malakaniyang ang posibleng blended State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay base na rin sa inilatag sa health protocols kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Roque na maaaring maging online o sa internet na lamang ang gagawing talumpati ng pangulo tulad ng sistema ng blended education.
Ang ika-limang SONA ay nakatakdang isagawa sa Hulyo 27.