Tiwala ang Malakaniyang na mababawasan ang mga insidente ng karahasan sa mga kababaihan at bata ngayong niluwagan na ang restrictions para labanan ang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay matapos silang malungkot sa report ng mataas na insidente ng karahasan laban sa kababaihan at mga bata sa panahon nang ipinatutupad ang community quarantine.
Nakakalungkot aniyang naitala pa ang mga nasabing insidente ng karahasan sa panahong magkakasama pa ang buong pamilya.
Hinimok ni Roque ang mga biktima na i-report sa mga otoridad ang mga nararanasang pang aabuso sa gitna na rin nang mahigpit na pakikipag ugnayan ng Philippine National Police (PNP) women and children protection desks sa local government units para matiyak ang proteksyon ng mga kababaihan at mga bata.