Tiwala ang Malakanyang na ginagawa ng Department of Health (DOH) ang lahat para mapigilan ang paglobo ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, alam ni Health Sec. Francisco Duque III ang kaniyang trabaho kaya’t umaasa silang malalagpasan ng Pilipinas ang problema sa dengue.
Una rito, idineklara ng DOH ang dengue alert sa bansa kasabay ng panawagang panatiliing malinis ang paligid para maiwasan ang mga posibleng pamugaran ng mga lamok.