Tiwala ang Malakanyang sa kakayahan ng Department of Transportation and Communications o DOTC na imbestigahan ang laglag bala modus na nambibiktima ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi isyu ang pagiging abala ng DOTC sa ibang mga problemang pantransportasyon upang hindi maaksyunan ang isyu ng laglag bala.
Sinabi ni Lacierda na mahigpit ang bilin ng Pangulong Aquino sa DOTC na siyasatin mabuti ang report ukol sa extortion na nagaganap sa NAIA at alamin din ang epekto ng laglag bala modus sa turismo ng bansa.
Matatandaang kaliwa’t kanang problema ang kinakaharap ng DOTC gaya ng problema sa LRT, MRT, mga pasaway na bus at mga taxi.
By Ralph Obina | Aileen Taliping (Patrol 23)