Umaasa ang palasyo na magagamit ng bansa ang mga bagong nagtapos na mga nurses sakaling kailanganin ang kanilang serbisyo ngayong may COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito’y dahil tiyak na mangangailangan ang bansa ng mga karagdagang nurses para mangalaga sa mga pasyenteng mailalagay sa mga additional beds na itinayo sa iba’t ibang pagamutan sa bansa.
Dagdag ni Roque, na noong binuksan nila ang 108 additional beds sa Lung Center of the Philippines ay agad silang nakakuha ng mga karagdagang nurses.
Magugunitang ilan umano sa mga nurse sa bansa ang umaalis sa trabaho dahil sa kabila ng kanilang napakadelikado at napakahirap na trabaho ay napakaliit naman ng sweldo na kanilang natatanggap. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)