Kumpiyansa ang pamahalaan na makakamit nito ang target na mabakunahan ang 50% ng populasyon sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng buwan ng Agosto.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon, pumapalo na sa 230,000 ang mga nababakunahan sa loob ng isang araw sa Metro Manila.
Giit nito, na basta’t magpatuloy lamang ang pagbabakuna tiyak na mauubos ang karagdagang 4-M COVID-19 vaccine na ibinigay ng pamahalaan sa Metro Manila para magamit sa gitna ng mahigpit na quarantine status.
Sa huli, sinabi ni Roque na ‘on target’ ang pamahalaan nais nitong 50% ng populsyon ng Metro Manila ay maturukan ng bakuna hanggang sa katapusan ng Agosto. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)