Tiwala ang Malakanyang na mas bibilis na sa mga susunod na buwan ang rehabilitasyon ng Marawi City.
Ito ay sa oras na matapos na ang ground breaking ceremony na inaasahang isasagawa bago matapos ang Oktubre.
Ayon kay Presidnetial Spokesperson Salvador Panelo, sinimula nang pakilusin ng kumpanyang hahawak sa rehabilitasyon ng Marawi City ang kanilang mga tauhan
Sinabi pa ni Panelo, nakatakda na ring matanggap ng Pilipinas ang nasa $3.5 billion na ayuda para sa Marawi rehabilitation.
Magugunitang umani ng batikos ang mabagal na pagsasaayos sa Marawi City, isang taon matapos itong makalaya mula sa kamay ng Maute-ISIS group.
(with report from Jopel Pelenio)