Positibo ang Malakanyang na magpapatuloy ang magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng administrasyon ni US President Elect Joseph Biden.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaasahan na ang pagkakaroon ng continuity ng Estados Unidos pagdating sa usapin ng kanilang panlabas na relasyon.
Dagdag ni Roque, ikinalulugod din nila ang inanunsyo ni Biden na pagpapanukala ng batas na magsasaligal sa tinatayang labing isang milyong illegal aliens sa Estados Unidos.
Aniya, nakatitiyak siyang makakabilang sa mabebenipisyuhan ng naturang batas ang mga pilipinong nasa amerika.
Samantala, tumanggi namang magkomento si Roque sa ulat na nawalan ng kaalyado ang Duterte administrasyon nang matalo si US President Trump dahil malinaw na tutol ang administrasyon ni Biden sa war on drugs ng pamahalaan.