Umaasa ang Malakanyang sa mas magandang ugnayan sa simbahang Katolika, partikular na sa pagsugpo sa iligal na droga sa bansa.
Sa harap ito ng mga isasagawang aktibidad ng simbahan at iba pang grupo laban sa umanoy Extra Judicial Killings o EJK’s sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pipigilan ang mga magpapahayag ng pagkontra sa administrasyon.
Katunayan aniya, bibigyan pa ng Pangulo ng lugar ang mga magpo-protesta para mailabas ng mga ito ang kanilang mga hinaing sa gobyerno.
Giit ni Roque, hindi pinapayagan ng kasalukuyang administrasyon ang mga EJK at vigilante killings.
Katunayan, iniimbestigahan na aniya ng mga otoridad ang higit 2,000 pagkamatay na ang motibo ay may kaugnayan sa droga.
Sakali aniyang mapatunayang sangkot sa mga patayang ito ang mga pulis, bibigyan ang mga ito ng karampatang parusa.