Umaasa ang Malakanyang na tutuparin ng Tulfo Brothers ang kanilang pangakong ibabalik sa PTV-4 ang 60 Million Pesos na kinita mula sa advertisement placement ng Department of Tourism na inere sa kanilang programa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tiwala ang administrasyon na may isang salita sina Ben at Erwin Tulfo na nagmamay-ari ng Bitag Media Unlimited.
Sa kabila nito, tiniyak ni Roque na hindi nito palalagpasin ng Palasyo ang mga nabistong katiwalian sa D.O.T. na kinasangkutan ni dating Secretary Wanda Tulfo-Teo.
Maliban sa anim na milyong Pisong ads sa PTV-4, kabilang din sa nabunyag na anomalya sa kagawaran ang 80 Million Peso “Carinderia Project” ni dating Tourism Promotions Board Chief Cesar Montano at 105 Million Peso “World’s Strongest Man Project” na sinasabing doble ang patong sa orihinal na halaga ng proyekto.