Umaasa ang Malacañang na hindi magkakaroon ng iba pang outbreak ng nakamamatay na sakit sa Pilipinas – tulad ng dengue – habang nagpapatuloy ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag matapos magbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng tumaas ang mga kaso ng dengue sa bansa bunsod ng pagpasok ng tag-ulan.
Matatandaang nagdeklara ng national dengue epidemic ang DOH noong Agosto ng taong 2019 dahil sa paglobo ng bilang ng mga tinamaan ng nabanggit na sakit sa ilang lugar sa bansa.