Kampante ang Palasyo na hindi na tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano nitong i-review ang Philippine – US relationship sakaling makaharap nito si US President Donald Trump sa 31st Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit and related summits sa Nobyembre 13 hanggang 15.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, umaasa siyang sesentro lamang sa isyu ng ASEAN at US tie-up ang babanggitin ni Pangulong Duterte bilang chairman ng 31st ASEAN Summit ngayong taon.
Hiwalay aniya o bilateral issue umano sa pagitan ng Pilipinas at US ang balak ni Pangulong Duterte na repasuhin ang ugnayan ng dalawang bansa.
Magugunitang nais din ni Pangulong Duterte na bawasan hanggang tuluyan nang mapalayas sa bansa ang mga sundalong Amerikano bilang bahagi umano ng independent foreign policy ng kanyang administrasyon.