Positibo ang Malacañang na hindi maka-a-apekto sa pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas ang pakikipagpulong ni Senador Antonio Trillanes IV kay US Senator Marco Rubio.
Ito ang reaksyon ng Palasyo kasunod ng napaulat na pagpunta ni Trillanes sa Amerika para kumbinsihin umano si Trump na huwag nang tumuloy sa kaniyang pagdalo sa ASEAN Summit sa Nobyembre.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, umaasa sila na tamang impormasyon ang isinubo ni Trillanes kay Senator Rubio hinggil sa tunay na estadong human right sa Pilipinas.
Sa kabila nito, inamin ni Abella na wala siyang ideya kung sino pa ang kasama ni Trillanes sa naging biyahe nito sa Amerika para sa pagharap nito kay Rubio na kilala ring kritiko ni Pangulong Duterte sa kampaniya kontra droga.