Umaasa ang Malacañang na susundin ng publiko ang ipinatutupad na health protocols ngayong holiday season.
Ayon sa Office of the Secretary, nagluwag man ng restriksiyon ang pamahalaan, dapat pa ring iprayoridad ng publiko ang pagsunod sa protocols para maiwasan ang banta ng COVID-19.
Nabatid na inaasahang mas tataas pa ang maitatalang kaso ng virus, matapos ang pagdiriwang ng pasko.
Kabilang sa kumakalat ngayon ang apat na kaso ng BF.7, na sublineage ng nakahahawang Omicron BA.5 subvariant na na-detect ng Department of Health (DOH) sa bansa.
Dahil dito, hinikayat ng DOH ang publiko na magsuot parin ng face mask, magpabakuna at agad na mag-isolate kung makaranas ng sintomas ng virus.