Umalma ang Malakaniyang sa pag-aaral ng Bloomberg na nasa ika-46 na puwesto ang Pilipinas mula sa 52 bansa na mayruong “Least amount of economic and social disruption” sa COVID-19.
Isa rin ang Pilipinas sa mayruong hindi magandang pamamaraan sa pagtugon sa COVID-19 sa Southeast Asia kasunod ng Vietnam, Singapore, Thailand, Indonesia at Malaysia.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi makatuwirang sabihin ng Bloomberg na hindi naging maayos ang pagtugon ng Pilipinas sa COVID-19.
Bagamat nasa ika-22 puwesto ang Pilipinas sa buong mundo iginiit ni Roque na hindi naman nasa absolute top ang Pilipinas kung numero ang pag-uusapan.
Maliit din lamang aniya ang mortality rate ng Pilipinas o bilang ng mga namamatay sa COVID-19 gayundin ang bilang ng mga tinamaan ng nasabing sakit na nasa kritikal ang kalagayan.
Nanindigan si Roque sa maayos na pagtugon ng Pilipinas sa COVID-19 pandemic.