Umapela ang Malakaniyang sa simbahang katolika gayundin sa mga konserbatibo na maging bukas at lawakan ang pang- unawa.
Kaugnay ito sa nilagdaang Executive Order Number 12 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapatupad sa RH o Reproductive Health Law.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinakailangan sa panahon ngayon ang makisabay sa pagbabago ang kasalukuyang kaisipan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.
Dapat aniyang maging responsable ang lahat sa gitna ng pananampalataya at unawain ang kalagayan ng tao lalo’t mayruon itong pamilya na dapat buhayin at pakainin.
By: Jaymark Dagala