Umapela ng pag – unawa ang Malakanyang sa publiko hinggil sa pagpapalakas nito sa diplomatic relations sa ibang bansa katulad ng China at Russia.
Kasunod ito ng paglabas ng resulta ng Pulse Asia kung saan sinasabing apatnaput dalawang porsyento (42%) lamang ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa Russia, habang tatlumput pitong porsyento (37%) naman ang nagtitiwala sa China.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sinisikap ng pamahalaan na mapalawak ang pakikipag ugnayan ng Pilipinas sa international community at umaasa itong mabibigyan ng pagkakataon ng publiko ang pagkilala sa pakikipag kaibigan ng Pilipinas sa Russia at China.
Tiwala rin si Abella na dahil dito, magkakaroon na ng pagkakataon ang Pilipinas na umunlad bilang isang nasyon.
By Katrina Valle |With Report from Aileen Taliping