Dumistansya ang Malakanyang sa isinampang impeachment complaint laban kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andy Bautista ngayong Miyerkules.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang maibibigay na pahayag ang Malakanyang dahil hindi nito saklaw ang tanggapan ng COMELEC Chairman.
Sinabi pa ni Abella, ipaubaya na lamang kay Bautista ang pagsagot sa mga akusasyon laban sa dito at labas na aniya ang Malakanyang sa usapin.
Ang impeachment complaint laban kay Bautista ay inihain nina dating Negros Oriental Representative Jacito Paras at Atty. Ferdinand Topacio na nag-ugat sa reklamo ng asawa ni Bautista na si Patricia sa umano’y nakatagong yaman nito.